Friday Mar 3 @ 12:47amMahirap mag demand ng oras kung wala naman talagang namamagitan sa inyo, lalo na kung kaibigan ka lang, aasa ka lang sa free time niya na mapansin ka. Ang hirap din ng tipong special siya sayo, special ka sa kanya.. Pero hindi nangangahulugan na may pinang hahawakan kayo sa isat-isa.
Napakahirap ng ganitong set up kung isa ka sa mga naging biktima. Patuloy kang mangangapa. Patuloy kang makikiramdam, kung may ginagawa ba siya o gusto ba niya ng taong makakausap.
Nakakayamot pa minsan minsan, kung pwede mo lang isumbat na parati mo siyang hinihintay dahil gusto mo siya palagi makausap eh matagal mo na talagang ginawa. Kaso natatakot ka magalit, natatakot ka masumbatan na wala naman dapat ganyan sa inyong dalawa kasi nga in the first place mag kaibigan lang naman kayo.
Grabe lang yun ganung pakiramdam.. Para kang nasa gitna ng disyerto na binigyan ng isang supot ng pulburon tapos pinasipol ka ang pakiramdam.. Mahirap.. Sobrang hirap, para sa isang taong nagmamahal lang naman, ng walang halong label na kayo. Kundi isa ka lang tunay na kaibigan.










